CENTRAL MINDANAO- Isang malaking balyena ang natagpuan ng mga residente sa baybayin ng Brgy Nakan Datu Blah Sinsuat Maguindanao.

Ayon kay Datu Blah Sinsuat councilor Tha Sinsuat na agad ipinagbigay-alam ng mga nakatira sa lugar sa mga sundalo ang natagpuang patay na balyena.

Ngunit hindi kaya ng mga sundalo at maging ng LGU na buhatin ang malaki at mabigat na balyena kaya’t nanawagan ang mga ito sa BARMM Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform para sa tamang disposisyon ng natagpuang patay na balyena.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung anu ikinamatay ng balyena.