-- Advertisements --
Pumalo na sa 197,343 ang mga naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Nangunguna sa listahan ng mga bansang may mga naitalang namatay dahil sa naturang sakit ang Estados Unidos na may 52,217, pangalawa ang Italya na may 25,969 at pangatlo ang Espanya na mayroong 22,524.
Habang ang kabuuang bilang ng mga infected ng virus ay aabot na sa 2,832,520.
Ang 1,769,613 (97%) sa kanila ay mayroong mild condition at ang 58,524 (3%) naman ay serious o critical condition.
Samantala, ang mga naka-recover naman ay umaabot na sa 807,040, matapos ang gamutan at quarantine procedure.