Umaabot na sa 2,129 ang bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Mainland China na may 111.

Isa naman ang nanggaling sa Hong Kong at dalawa sa Iran.

Nadagdagan din nitong araw ang pagpanaw ng dalawang pasyente mula sa Japan na kasama sa mga pasahero ng cruise ship na Diamond Princess.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa 75,735 ang mga infected ng virus.

Habang 16,507 naman ang mga naka-recover mula sa naturang sakit.