DOH 1

Pumalo na sa 12 patay dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ang pinakahuli ay si patient 12 na isang 56-anyos na lalaki na mayroong acute respiratory distress syndrome at asthma.

Una itong naka-confine sa Makati Medical Center noong Marso 7 at nagpostibo sa COVID-19 noong Marso 9.

Umaabot na sa ngayon sa 140 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.