PACMAN AND QUIBOLOY
-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muling hinamon ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy si Sen. Manny Pacquiao sa isang debate.

Ayon kay Pastor Quiboloy, nagtatapang-tapangan umano ngayon ang senador na maghamon ng “face to face debate” kahit na simple umanong pagsabi ng “consensus” ay hindi umano mabigkas ng maayos ng senador.

Nag-alok pa si Quiboloy na gawing venue ang kanyang studio kung saan pag-uusapan nila na “hindi tiwali at sinungaling ang senador” o nasa affirmative side ito habang negative naman ang pastor.

Maaari rin umanong pumili si Sen. Pacquiao kung Oxford o Presidential type ang gusto nitong debate at kailangan wala umanong coach.

Dagdag pa ni Pastor Quiboloy, hindi pa niya isinantabi ang nauna niyang hamon sa senador simula noong sinampahan siya ng kasong cyber libel dahil sa kanyang pahayag patungkol sa ma-anomalyang pagpapatayo umano ng mambabatas sa sports complex ng Sarangani na nagkakahalaga ng higit P3 billion.

-- Advertisement --

Una na ring itinanggi ni Pacquiao ang mga alegasyon ni Quiboloy kaya kinasuhan niya ito.