Patuloy na minomonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga developments sa Middle East dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Sa isang pulong balitaan na ginanap sa Villamor Airbase, kinumpirma ni Padilla na nakahanda silang umalalay sa mga Pilipinong mangangailangan ng tulong dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Handa rin aniya ang kanilang hanay para sa posibleng repatriation ng mga pilipinong naiipit sa nagpapatuloy na sigalot.
Agad din aniya silang kikilos base sa magiging direktiba at batay rin sa polisiya ng mga higher civillian authorities.
Kaugnay nito ay pinaghahandaan na rin ng Sandatahang Lakas ang mga maaaring repatriation ng mga pilipino sa Iran at Israel.
Ani Padilla, nakahanda na rin ang lahat ng kanilang mga assets para magamit ng pamahalaan sa paglilikas ng mga pilipino alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kanilang Commander in Chief.
Sa ngayon patuloy na sususportahan ng AFP ang mga efforts ng gobyerno para mapanatiling ligtas at nasa ligtas na lugar ang mga pilipino.
Samantala, bilang bahagi ng programa ngayong araw dito sa Villamor Airbase ay pinangaralan at kinilala naman ang Bombo Radyo Philippines bilang Top Media Outlet (Radio) dahil sa pagpapahayag ng mga impormasyon at balita sa publiko hinggil sa mga balitang tungkol sa pagprotekta sa kaligtasan at soberanya ng Pilipinas.