Bumagsak sa bahagi ng siyudad ng Karachi, Pakistan ang isang passenger plane na sakay na 107 pasahero at crew.

Sa inisyal na ulat, nanggaling sa siyudad ng Lahore ang aircraft kung saan lulan ang 99 pasahero at walong crew members.

Lalapag sana sa Karachi ang Flight PK 8303 dakong alas-2:30 ng hapon ngunit nawala na lamang ito bigla sa radar.

Naipilit pa raw ng piloto ng Airbus A320 na gumawa ng mayday call at sinabi na nakaranas daw ito ng technical problem.

Sa ngayon in-activate na ng Pakistan International Airlines ang kanilang emergency response protocol.