-- Advertisements --

Mananatili sa kustodiya ng Senado si Pacifico “Curlee” Discaya II matapos ibasura ng Pasay City Regional Trial Court Branch 498 ang inihaing habeas corpus petition ng kanyang kampo.

Ayon sa korte, walang sapat na ebidensya na nagpapakitang nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Senado sa pagdetine kay Discaya. Kinumpirma ito ng kanyang abogado na si Atty. Cornelio Samaniego III, na sinabing sinusubukan pa nilang makuha ang opisyal na kopya ng desisyon.

Matatandaang pinatawan ng Senado si Discaya na in- contempt noong Setyembre 18 matapos umanong magsinungaling sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay ng iregularidad sa mga flood control projects.

Nanindigan ang Senado na lehitimo at naaayon sa Konstitusyon ang kanilang aksyon.