-- Advertisements --
Pinag-aaralan na ng Pasay City government ang pagpayag sa mga negosyante na mag-operate ng full capacity sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na mas kahit full operations na ang mga negosyo ay mahigpit pa rin na ipapatupad ang mga health protocols.
Kapag mayroon ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force on Infectious Disease (IATFD) na puwede ng magbukas ng 100 percent ang mga negosyo ay agad silang susunod.
Nauna ng iminungkahi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na dapat payagan na ang mga negosyo na mag-operate ng full capacity gaya ng mga food establishment, dine-in services at kahalintulad pang mga serbisyo.