-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatiling aktibo o may bisa pa rin ang pasaporte ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, dahil wala pang court order na nag-uutos sa ahensiya na kanselahin ito.

Ayon sa DFA, maaari lamang magkansela ng pasaporte kapag may pinal na utos ng hukuman, alinsunod sa New Philippine Passport Act.

Paalala ng DFA na tatlong dahilan lamang ang saklaw para sa pagkansela ng pasaporte. Una ay kung pugante ang may-hawak, pangalawa, kung nahatulan sa kasong kriminal, at pangatlo, kung ang pasaporte ay peke o tinamper.

Aniya, wala sa mga nabanggit ang kasalukuyang kaso ni Co.

Matatandaan, nagbitiw si Co sa Kamara matapos masangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects, at kasalukuyang nahaharap sa graft at malversation kaugnay ng P289-milyong flood control project sa Naujan, Occidental Mindoro.

May warrants of arrest na laban sa kanya at 17 iba pa, kabilang ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corp., na iniuugnay sa kickbacks, bagay na itinanggi ng dating mambabatas.