Mas malakas at matimbang ang anggulong pulitika sa pamamaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Ito ang ibinunyag ni PNP Chief PDGen. Oscar Albayalde sa panayam ng Bombo Radyo.

Sinabi ni Albayalde na wala pang konkrektong ebidensiya ang PNP ukol dito, bagamat may mga nakukuha na silang mga leads hinggil sa mga indibidwal na nasa likod ng pamamaslang.

Sa ngayon, tukoy na rin ng SITG-Batocabe ang pagkakakilanlan ng anim na persons of interest na umanoy nasa likod sa pagpatay kay Cong. Batocabe.

Inaalam na rin kung ang mga ito ay kabilang sa mga gun for hire o mga private armed groups.

Ibinunyag pa ni Albayalde kasama sa iniimbestigahan ngayon ang isang grupo ng gun-for-hire group na mayroong 28 miyembro na nag-ooperate sa Bicol region.