-- Advertisements --
Taal exclusive photo 4
photo by Bombo Sol Marquez

(Update) Tuluyan nang binuksan muli ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong isara at maraming flights ang nakansela kasunod ng phreatic eruption ng Taal Volcano kahapon.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, magkakaroon ng partial operations sa NAIA kasunod ng isinagawang clean-up dahil sa ibinugang abo ng Taal.

Una rito, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na sa oras na magbalik ang operasyon sa NAIA ay uunahin nilang papayagang makabiyahe ang mga flight palabas ng Manila.

Kasabay nito ay pinayuhan ng opisyal ang mga biyahero na tiyakin muna sa kani-kanilang mga airlines kung matutuloy ba ang kanilang biyahe ngayong araw.

Samantala, pinapayuhan ng mga airline companies ang mga pasahero na apektado ng flight cancellations na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan para malaman ang mga hakbang na maaaring gawin tulad ng libreng rebooking, refunding, o rerouting.

Sa ngayon, siksikan pa rin ang mga pasahero sa lahat ng terminals ng NAIA na nag-aabang sa posibleng pagbabago sa kanilang mga flights.

Hanggang kaninang alas-5:00 ng madaling-araw, aabot na sa 242 ang bilang ng mga kanseladong flights.