-- Advertisements --

Hindi na itinanggi ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., ang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) na nagsasagawa sila ng profiling sa mga nagtatayo ng mga laganap community pantry.

Sinabi pa nito, may mga impormasyon silang nakuha na ginagamit ng mga makakaliwang grupo ang nasabing mga community pantry.

community pantry NON crowd people COVID

Sinasakyan aniya nila ang nasabing magandang programa para ipahayag ang kanilang propaganda.

Gaya aniya ng mga kumalat sa social media na ipinapakita ng mga makakaliwang grupo na hinahayaan ng gobyerno na maraming nagugutom kaya nagsulputan ang nasabing mga community pantry.

Magugunitang ibinunyag ng organizer ng ilang community pantry na may ilang alagad ng batas na kumukuha ng impormasyon kung saan iniuugnay sila sa makakaliwang grupo.

crowd people patricia non community pantry QC