-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Nailibing ang cremated na bangkay ng isang pari ng simbahang Katoliko matapos pumanaw dahil sa komplikasyon ng coronavirus disease na mula sa Diocese ng Malaybalay City,Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Reverend Father Diomedes Brigoli na unang naisugod sa ospital ng mga pari nitong lungsod at nailipat Northern Mindanao Medical Center dahil lumala ang kanyang kondisyon hanggang binawian ng buhay.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Diocese of Malaybalay spokesperson Rev.Fr Vir Delfin na unang nahawaan si Brigoli noong nakaraang linggo subalit paglipas lamang ng ilang araw ay tuluyang bumigay ang katawan nito.

Inihyag ni Delfin na maaring nakuha ng kanilang kasamahang pari ang bayrus mula sa isa mga close contact ng kanyang mga kawani.

Pinakaunang paring Katoliko mula sa Northern Mindanao si Brigoli na nasawi dahil sa komplikasyon ng bayrus.

Magugunitang maliban sa pagkasawi ng pari ay mayroon pang 10 na kasamahan nito kung saan siyam rito ay nagmula mismo sa Archdiocese ng Cagayan de Oro ang nahawaan ng COVID-19 dahilan na anim sa mga simbahang Katoliko ay pansamantala na isinara dahil sa matinding hawaan dito sa rehiyon.