Papua New Guinea
Papua New Guinea Map

Niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang Papua New Guinea.

Ayon sa US Geological Survey, may lalim ito na 44 kilometers sa northeast ng Kokopo ng bansa.

Naglabas naman ang tsunami warning dahil sa nangyaring pagyanig.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad kung may mga napinsalang mga gusali dahil sa pagyanig.