-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang karagatang bahagi ng Chile.
Tumama ang lindol sa 219 kilometers ng karagatan ng lungsod ng Ushuaia ang border ng Argentina at may lalim ito ng hanggang 10 kilometro.
Dahil sa insidente ay naglabas sila ng tsunami warning kung saan may ilang mga aftershocks silang naranasan sa lugar.
Ipinag-utos naman ni Chilean President Gabriel Boric ang pagpapalikas sa mga residente na malapit sa lugar.
Aabot sa 1,700 katao mula sa Magallanesregion kabilangang 1,000 mula sa bayan ng Puerto Williams at 500 katao mula sa Puerto Natales ang inilikas sa mataas na lugar.