-- Advertisements --
Walang banta ng tsunami sa bansa matapos ang pagtama ng magnitude 6.6 na lindol sa karagatan ng Papua New Guinea.
Ayon sa PhiVolcs, na base sa kanilang mga instrumento at datos na nakuha ay walang dapat na ikabahala.
Tumama ang lindol sa Papua New Guinea ng dakong 11:06 ng gabi ng Martes oras sa Pilipinas.
Base sa US Geological Survey, na may lalim ang nasabing lindol ng 53 kilometers.