-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na “Mindulle” habang ito ay nasa silangan ng Pilipinas.
Huli itong namataan sa layong 1,890 kilometro sa silangan ng Southern Luzon.
Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa araw ng Linggo, kung saan bibigyan ito ng local name na Lannie.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.