Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ang pagpasa ng Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA).
Layon nitong mapababa ang binabayarang buwis ng mga korporasyon at lilimitahan rin ang pagbibigay ng fiscal incentives sa kanila.
Sa liham ni Pangulong Duterte kay Senate President Tito Sotto III na may petsa ngayong araw, March 9, sinabi niyang sinesertipikahan na niya bilang urgent measure ang Senate Bill 1357.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahalaga ang naturang batas para sa pagpapatupad ng tax reform para maisulong ang ang foreign direct investments at pagpapalago pa ng mga negosyo na magbubukas ng mas maraming trabaho at makakatulong pa sa ekoniomiya ng bansa.
Magugunitang Setyembre noong nakarang taon pa naipasa ng Kamara ng bersyon nila ng CITIRA pero hindi pa rin ito lumusuot sa interpellations sa plenaryo ng Senado.
Natakdang mag-adjourn na ng session ang Kongreso sa March 11, araw ng Miyerkules.