-- Advertisements --
fuel oil price hike rollback

Magandang balita sa mga motorista dahil may nakaamba na namang tapyas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P1.50 hanggang P1.80 ang posibleng rollback sa kada litro ng diesel.

Habang posible namang maglaro sa P0.50 hanggang P0.85 ang maging bawas presyo sa kada litro ng gasolina.

Ang kerosene naman ay nakatakdang bababa sa P1.80 hanggang P2.00 kada litro.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong nagpatupad ng rollback ang mga kumpaniya ng langis matapos ang sunud-sunod na bigtime price hike nito.