-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad nila ang P2.00 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Mayroong P0.50 na bawas naman sa kada litro ng diesel.

Habang ang kerosene ay mayroong bawas na P0.85 sa kada litro.

Itinuturing pa rin ng Department of Energy na ang pagbawas ng tensiyon sa Middle East at ang fluctuations sa US oil inventory ang siyang nangungunang dahilan ng bawas presyo ng mga produktong langis.