-- Advertisements --

Matapos ang dalawang linggong bawas presyo ay magkakasabay naman ngayon ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P1.20 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P1.70 na dagdag presyo sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroon ding P1.20 na dagdag presyo sa kada litro.

Sinabi ni Assistant Director of the Oil Industry Management Bureau (OIMB) Rodela Romero na ang dahilan ng nasabing taas presyo ay dahil sa nagaganap na geopolitical tensions.

Nagkakaroon din ng pagdududa sa peacedeal sa pagitan ng Russia at Ukraine at ilang tensiyon sa Gitnang Silangan.