-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Muli na namang nagtala ng positibong kaso ng COVID 19 ang Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, nakiusap si Mayor Kiko Dy sa mga taga barangay San Fabian, Echague, Isabela na iwasan munang lumabas at manatili sa loob ng kanilang tahanan.

Sa ngayon anya ay nagsasagawa na contact tracing ang mga otoridad sa mga nakahalubilong mga kamak-anak ng nagpositibo sa COVID 19.

Nilinaw naman ni Mayor Kiko Dy na galing sa ibang lugar at umuwi lamang sa barangay San Fabian ang nagpositibo sa COVID 19.

Samantala, hindi naman inihayag ni Mayor Dy ang iba pang pagkakilanlan ng bagong pasyenteng nagpositive CoVid-19.

Sa ngayon ay ginagamot na sa pagamutan ang COVID positive patient at sumasailalim sa strict quarantine.

Ang positive patient ng COVID 19 ay sumailalim sa SWAB test noong June 4,2020 at lumabas na positibo