-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Itinuring ngayon ng pulisya na divertionary tactic ng rebeldeng New People’s Army ang panibagong pag-atake na inilunsad nila sa isang plantation site sa Barangay Napaliran, Balingasag, Misamis Oriental.

Ito ang matapos kinUmpirma ng pulisya na kasulukuyang nagkapalitan pa ng mga putok ang militar laban sa hindi pa matukoy na bilang ng mga rebelde na responsable pagsunog ng construction equipment.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Misamis Oriental Police Provincial Office spokesperson Lt Pia Theofratus na ang panibagong atake ng mga rebelde ay upang ilihis ang military pursuit operation sa bahagi ng Claveria ng lalawigan kung saan tinutugis ang isa pang grupo nila na responsable pagsunog rin ng apat na sasakyan ng Del Monte Philippines Incorporated.

Inihayag ni Pia na bagamat hindi matukoy kung mayroong casualty sa magkabilang panig dahil nagpapatuloy pa ang tropa ng gobyerno na tugisin ang mga salarin.

Pinakahuling ulat ay pagmay-ari umano ng isang malaking negosyante na nakabase sa lugar ang nasabing mga sasakyan.