May nakaamba na namang taas presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na base sa trading ng oil industry mula Hulyo 10 hanggang 13 ay posibleng tataas ng P1.80 hanggang P2.00 ang kada litro ng diesel.
Maglalaro naman mula P1.50 hanggang P1.70 sa kada litro naman ang itataas ng gasolina.
Mayroong ding paggalaw sa susunod na linggo ang kerosene.
Sinabi ni , Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang nasabing panibagong taas presyo ay dahil sa planong pagbawas ng suplay ng mga pinakamalaking oil exporters sa mundo.
Sa araw pa ng Lunes malalaman ang halaga ng dagdag presyo ng mga produktong langis habang kadalasang sa araw naman ng Martes ito naisasakatuparan.