-- Advertisements --
Dumating sa bansa ang panibagong 37 na mga overseas Filipino workers (OFW) mula sa Israel.
Ayon sa Department of Migrant Wokers na ito na ang pang-13 batch na repatriates na binubuo ng 31 na caregivers at anim na hotel workers.
Mula ng lusubin ng Hamas ang Israel noong Oktubre 7 ay nakapagpauwi na ang gobyerno ng aabot sa 413 na OFW.
Bawat OFW ay makakatanggap ng P125,000 na tulong mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Adminstration at Department of Labor and Employement.
Nakatanggap din ang mga ito ng noche buena package mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at dagdag na tulong mula sa Technical Education, Skills Development Authority (TESDA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).