-- Advertisements --

Nakapagtala ngayon ang Pilipinas ng panibagong dagdag na 13,573 na mga kaso coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Mas mataas ito kumpara sa kahapon na nasa 12,000 mahigit.

Agad namang nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) na medyo bumababa ang kaso na naitala dahil sa mababang output ng ilang laboratoryo nitong nakalipas na araw.

DOH office

Nasa pitong mga laboratoryo ang bigong makapagsumite kasi ng kanilang datos.

Sa ngayon ang nationwide tally ng COVID cases mula noong nakaraang taon ay nasa 1,883,088 na.

Gayunman meron pa ring mga aktibong kaso o mga pasyente na nagpapagaling ngayon na umaabot sa 125,378.

Sa naturang mga active cases, nasa 95.9% ay nakakaranas ng mild symptoms, 1.3% ay mga asymptomatic, 1.2% ay mga severe patients at ang 0.6% ay nasa critical condition.

Inanunsyo rin naman ng DOH na ang total recoveries sa Pilipinas ay umaabot na sa 1,725,218 matapos na 15,820 na mga pasyente ang panibagong mga nakarekober.

Samantala ang bagong bilang ng mga nasawi ay umaabot sa 228.

Bunsod nito ang kabuuang death toll ngayon sa bansa ay nasa 32,492.

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 23, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng DOH advisory.