-- Advertisements --
Hindi umano dapat balewalain ang epekto ng mga pangungulit ng Pilipinas sa China kaugnay ng mga barkong nananatili sa loob ng ating exclusive economic zone (EEZ).
Naniniwala ang maritime expert na si Prof. Jay Batongbacal na may kabuoang epekto ang paghahain ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng mga diplomatic protest, hindi lamang sa higanteng bansa, kundi sa paningin ng international community.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Batongbacal na napilitan na ang Beijing na ikalat ang kanilang mga barko dahil may impact talaga ang pag-alma ng Pilipinas.
Gayunman, mahalaga aniyang magpatuloy ang followup actions ng gobyerno, hanggang ganap na lumayas ang mga militia at fishing vessels ng China sa karagatang sakop ng ating bansa.
















