Personal na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakaloob ng bahay at lupa sa ilang beneficiary ng housing projects ng pamahalaan.
Idaraos ang aktibidad ngayong araw sa Barangay Calubcob, Naic, Cavite.
Sa nabanggit na ceremonial turn-over ng lupa’t bahay, dalawang set ng pitong pares ng beneficiaries ang mabibiyayaan.
Ang isang batch ng pitong pares na mapagkalooban ng certificate of house and lot ay inilaan para sa mga dating rebelde.
Makakasama ng Pangulong Marcos mamaya sa housing turn-over ceremony si Department of Housing Settlement and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar.
Target ng Marcos administration na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon para sa pamilyang Pilipino hanggang 2028 o sa pagbaba niya sa puwesto.