-- Advertisements --

Inanunsiyo ng actres na si Lovi Poe na ito ay buntis mula sa asawang film producer na si Monty Blencowe.

Isinabay ang actress ang anunsiyo sa endorsement niya ng isang local clothing brand.

Ang masayang balita ay kasunod ng pagdiriwang ng dalawa na kanilang ika-dalawang taong anibersaryo ng kanilang pag-iisang dibdib noong Agosto.

Noong Agosto 8, 2023 ng ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony na dinaluhan ng mga malapit na kaibigan at kaanak na sinundan ng church wedding sa makasaysayang Cliveden House sa United Kingdom noong Agosto 26, 2023.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa mga fans at kapwa artista matapos na mabalitaan ang magandang balita.