-- Advertisements --

Titingnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lawak ng naging pinsala sa isa sa mga lugar na tinamaan ng nagdaang bagyong Paeng.

Naka-schedule ang chief executive na magsagawa ng aerial inspection partikular sa lalawigan ng Cavite.

Ilang parte ng naturang probinsya kagaya ng Noveleta ang naiulat na matinding tinamaan ng bagyo kung saan, maraming mga residente at ari-arian ang nalubog sa tubig baha.

Bukod sa aerial inspection, kasama rin sa magiging aktibidad ngayong araw ng pangulo ang pagdalo sa situation briefing na gagawin din sa lalawigan ng Cavite.

Sa situation briefing ay iuulat sa pangulo ang inisyal na cost of damage na idinulot ng bagyong Paeng sa mga pananim at imprastraktura.