-- Advertisements --
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ”micro-credentials” ng isang manggagawa para makahanap ng trabaho, sa kanyang pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacañang Palace.
Saad ng pangulo, ang micro-credenrials umano ay hindi four-year course, ngunit pwedeng i-presenta para ma-qualify sa trabaho.
Dagdag pa ng pangulo, kinakailangan din ng sistema sa paghasa sa kakayahan ng lahat.
Inihayad din Pangulong Marcos Jr, na kinakailangang i-retrain at i-reskill ang mga overseas Filipino worker (OFW) na gustong dito na sa Pilipinas maghanapbuhay. | Bombo JC Galvez