-- Advertisements --

Bumiyahe na patungong Davos,Switzerland kaninang umaga si Pangulong Bongbong Marcos para dumalo sa ika-53rd Annual Meeting of the World Economic Forum.

Nakatakdang ibida ng Pangulo ng Pilipinas sa mga global leaders ang mga top economic performance ng bansa.

Kasama sa biyahe si First Lady Atty. Louise Araneta Marcos, economic team ng administration at mga business leaders.

Bago mag alas-9:00 kaninang umaga ng umalis sa Villamor Air Base ang eroplano kung saan lulan ang Pangulo at ang delegasyon ng Pilipinas.

Isa si Pangulong Bongbong Marcos sa dalawang lider sa Asya ang dadalo sa World Economic Forum na siyang premier forum para sa mga world at business leaders na magsama-sama, magpalitan ng mga ideas at maglatag ng mga plano para tugunan ang mga hamon sa global economy.

Ang tema ng World Economic Forum ngayong taon: “Cooperation in a Fragmented World”.

Layon ng pulong ay para muling pagtibayin ang halaga at mga kinakailangang mga diyalogo at ang public-private cooperation para tugunan ang kinakaharap na krisis.

Ang Pilipinas ay binibigyan ng pagkakataong isulong ang mga priyoridad nito sa seguridad sa pagkain at enerhiya, digitalization, aksyon sa klima, pag-akit ng mga pamumuhunan at pagtataguyod ng kapaki-pakinabang na kalakalan.