-- Advertisements --
Sinibak sa puwesto si President Dina Boluarte ng Peru.
Nagbotohan ang mga kongreso matapos ang session na ginanap ng hatinggabi kung saan nagkaroon pa ng debate para sa kaniyang impeachment.
Mayroong 122 sa kabuuang 130 na mga mambabatas ang bumuto na tanggalin ito sa puwesto dahil sa “permanent moral incapacity”.
Sa pamumuno kasi ni Boluarte ay dumami ang kilos protesta, scandals at pagtaas ng labanan ng mga gang.
Dumami ang Anti-government protest dahil sa pagtaas ng nagaganap na krimen sa nasabing bansa.
Nanumpa na bilang interim president si congress leader Jose Jeri dahil ang Peru ay walang kasalukuyang bise presidente.