-- Advertisements --

Natuklasan ng mga archaeologist ang isang 3,500-taong gulang na lungsod sa Peru na pinaniniwalaang nagsilbing sentro ng kalakalan ng kultura sa pacific coast, bundok ng Andes, at kagubatan ng Amazon.

Ang sinaunang lungsod, ay tinawag na Peñico, matatagpuan sa lalawigan ng Barranca sa hilagang Peru at itinayo sa pagitan ng 1,800 at 1,500 BC.

Itinayo ito sa burol na may taas na 600 metro, at tampok dito ang bilog na estruktura, mga gusaling bato at putik, at mga ceremonial na templo.

Ayon kay archaeologist Ruth Shady, ang Peñico ay mahalaga sapagkat ito ay lumitaw matapos ang pagbagsak ng Caral civilization, ang pinakamatandang kabihasnan sa Amerika na umiral 5,000 taon na ang nakalilipas.

Dagdag pa ng siyentipiko na ang lungsod ay nasa estratehikong lokasyon na nagsilbing daanan ng palitan ng kalakal at kultura.

Ibinunyag pa ni archaeologist Marco Machacuay ng Ministry of Culture na ang Peñico ay maaaring nagpatuloy pa ng kulturang Caral na karaniwang makikita lang sa Egypt, India, Sumeria at China.

Sa walong taong pag-aaral, natuklasan ng mga eksperto ang 18 estruktura kabilang ang mga tirahan at ceremonial temples.

Kabilang pa sa mga natagpuan ay mga larawan ng estruktura, clay figures, seremonyal na kagamitan, at mga kuwintas na yari sa butil at kabibe.

Isa rin sa mga tampok ng lugar ay ang mga ukit ng pututu, isang trumpeta mula sa kabibe na ginagamit sa mga ritwal.

Nabatid na ang Peru ay tahanan ng maraming sinaunang kabihasnan, kabilang ang Inca at ang misteryosong Nazca Lines, na nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng bansa sa
archaeology.