-- Advertisements --

Isinagawa kamakailan sa Peru ang pag-aaral ng fossilized skeleton ng isang sinaunang hayop na kahawig ng dolphin, na tinatayang may edad na 8 hanggang 12 milyon taon.

Nadiskubre ang mga buto noong Hulyo, 2025 sa Ocucaje Desert, Lima —isang lugar na dating bahagi ng Pacific Ocean.

Ayon sa isang paleontologist, ang naturang lugar ay nagsilbing “great hotel” para sa mga marine animals dahil sa mga bundok na pumipigil sa malalakas na alon, kaya naging perpektong lugar ito para umano sa kanilang pagpaparami.

Batay pa sa mga maniniliksik tumagal ang naturang rehiyon bilang isang dagat nang humigit-kumulang 45 milyon taon na ang nakakalipas.

Dagdag pa ng Peru’s state Geological, Mining and Metallurgical Institute (INGEMET) ang natuklasan ay makatutulong sa pag-unawa kung paano nagbago ang geography at coastline ng Peru sa loob ng maraming taon.

Kaugnay nito kilala ang mga disyerto ng Peru bilang isang mayamang libingan ng mga sinaunang marine animals. Nitong taong ito, natagpuan din ang fossil ng isang kamag-anak ng great white shark na may edad na 9 milyon taon.

Bukod pa rito, noong Abril 2024, ipinakita rin ang fossilized skull ng pinakamalaking kilalang river dolphin na nanirahan sa Amazon higit 16 milyon taon na ang nakakaraan.