Marami ang namangha sa bagong tuklas na fossil ng sinaunang buwaya na posibleng nakapatay ng mga dinosaur sa lupa.
Nakita ito sa Patagonia, Argentina na isang specy na tinawag na Kostensuchus atrox.
Tinatayang nabuhay noong 70 milyong taon na ang nakalilipas.
Ayon sa mga eksperto, ito ay isang hypercarnivore o kumakain halos ng purong karne at may matitinding panga na kayang lumapa ng laman at buto ng biktima.
Ang mga ngipin nito ay inihalintulad sa ngipin ng T. rex, matutulis at may bahaging gilid na matalas.
Ipinapalagay ng mga siyentipiko na mas mahaba at mas tuwid na mga paa ito kumpara sa mga karaniwang buwaya, kaya’t mas epektibo itong manghuli sa lupa.
Isa ito sa pinaka-kompletong fossil ng peirosaurid crocodyliform na natagpuan, at nagpapakita ng kakaibang anyo ng sinaunang predator sa South America.
Ang pagkakatuklas sa Kostensuchus atrox ay nagbibigay ng bagong pananaw sa ecosystem ng Cretaceous period, kung saan ang mga buwaya ay hindi lamang naninirahan sa tubig kundi aktibong nanginginain sa lupa.