-- Advertisements --

Darating sa bansa si German President Frank-Walter Steinmeier para sa isang Official State Visit sa darating na Hunyo 15 at 16, 2026.

Personal na tatanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lider ng Federal Republic of Germany sa Malacañang upang talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga inaasahang tututukan sa kanilang pagpupulong ang kooperasyon sa ekonomiya, kalakalan, pamumuhunan, pagbabago sa klima (climate change), at ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, partikular na ang mga nasa sektor ng kalusugan sa Germany.

Ang pagbisitang ito ay naglalayong patatagin pa ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Germany, kasunod na rin ng naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Berlin noong taong 2024.