Pumanaw na ang pangulo ng Burundi sa East Africa na si President Pierre Nkurunziz matapos na maatake sa puso sa edad 55.

Ayon sa gobyerno nito na dinala sa pagamutan nitong Sabado ang kanilang pangulo dahil sa panghihina at nitong Lunes ay inatake siya sa puso.

Sinubukan ng pagamutan ang lahat ng kanilang makakaya para mailigtas si Nkurunziz subalit sila ay nabigo.

Naging pangulo ito ng bansa ng 15 taon at nakatakda na rin itong bumaba sa puwesteo sa darating na Agosto.