-- Advertisements --
Patay ang 42 na migrants matapos ang paglubog ng bangkang sinakyan nila sa karagatan ng Djibouti, East Africa.
Galing sa Yemen ang nasabing bangka ng ito ay lumubog.
Kabilang sa mga nasawi ay 16 na kabataan.
Ayon sa United Nations’ International Office for Migration (IOM) na ang 60 migrants ay pawang mga biktima ng human smuggling mula sa Yemen.
Ito na ang pangalawang insidente ng pagkalubog sa loob ng isang buwan.