-- Advertisements --

Nagpadala ang China ng nasa 30 warplanes sa air defense zone ng Taiwan.

Ayon sa Taiwan’s defence ministry, kabilang dito ang nasa 22 fighters , electronic warfare, early warning at antisubmarine aircraft ang ipinadala ng China.

Base sa mapa na ibinahagi ng defense ministry ng Taiwan, ang lokasyon ng aircraft ng China ay nasa isang area sa northeast ng Pratas islands na bahagi ng air defence identification zone (ADIZ) ng Taiwan.

Ang panghihimasok na ito ng China sa air defense ng Taiwan ay itinuturing na biggest incursion mula noong Enero ng kasalukuyang taon.

Bilang tugon, nag-deploy na ang Taiwan ng kanilang fighter jets para balaan ang 30 warplanes ng China.

Ang hakbang na ito ng China ay kasunod ng babala ni US President Joe Biden sa Chinese government laban sa posibleng pagsalakay nito sa Taiwan kasabay ng pagbisita ni Biden sa isla para talakayin ang seguridad sa naturang teritoryo.

Pinaigting pa ng China ang pagsasagawa ng air missions nito sa nakalipas na buwan kung saan iginiit nito na ito ay bahagi ng kanilang training drills.

Subalit ang hakbang na ito ng china ay lalo lamang nagpagalit sa Taiwan at umigting pa ang tensyon sa rehiyon.