CENTRAL MINDANAO- Nilinaw ni Kabacan North Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr na wala itong isinasagawang mga transaksyon sa pagitan ng mga business sector.

Itoy matapos na gamitin ang kanyang pangalan sa isang transaksyon na di-umanoy humingi ito ng cellphone load at nagpacater sa isang establisemento ng bayan.

Sa blotter report ng kapulisan, nakasaad rito na nagpa-cater umano ang alkade at humingi ng load na aabot sa mahigit P55,000.00.

Ayon kay Mayor Guzman, kung gumagawa ito ng transaksyon ay siya mismo ang nakikipagtransact o kaya ay ang kanyang secretary lamang.

Siniguro din ng alkalde na kanyang aatasan ang kapulisan na mahuli at panagutin ang may sala nito.

Sa ngayon pinaalalahanan ng alkalde ang publiko na huwag agad magtiwala lalo na kung gagamitin ang kanyang pangalan sa mga transaksyon.