Muling bibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posisyon ng Pilipinas hinggil sa regional and international issues sa pagdalo nito sa ASEAN-Australia Summit na magsisimula bukas March 4 hangang March 6, 2024.
Ayon sa Presidente pagkakataon din ito upang pasalamatan ang Australian government sa suporta nito sa Pilipinas sa rule of law at maging sa UNCLOS.
Inimbitahan ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang mga ASEAN leaders sa isang pulong upang gunitain ang ika-50 taong pagkakaibigan.
“The Summit will be an opportunity for the Philippines to thank Australia, ASEAN’s oldest Dialogue Partner, for its unwavering support for the rule of law, for the 1982 UNCLOS and the 2016 Arbitral Award, through timely statements of support as well as through capacity-building and academic initiatives to mainstream appreciation of international law,” pahayag ng Pang. Marcos.
Layon din ng pagtungo ng Chief Executive sa Melbourne para pagtibayin ang kooperasyon sa pagitan ng ASEAN at Australia sa mga mahahalagang usapin gaya ng pagpapatupad ng international law sa West Philippine Sea.
Sa kanyang departure speech, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang magiging bilateral meeting kasama ang Cambodia at New Zealand. Makikipagpulong din si Pangulong Marcos kasama ang mga business leaders sa Australia at magbibigay ng mensage sa Lowy Institute.
Nakatakda ding makipagkita ang Pangulo kasama ang Philippine delegation sa Filipino community.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos na patuloy na titiyakin ng kanyang administrasyon na ang Pilipinas ay patuloy na makikipag-ugnayan sa mga constructive engagements sa ASEAN at mga stakeholder na magsisilbi sa pambansang interes ng bansa, magtataguyod ng kapayapaan, katatagan, seguridad at kaunlaran ng rehiyon para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino at ang rehiyon.
Ang diplomatic relations ng Pilipinas at Australia ay nagsimula nuong July 4,1946.
Ang Australia ang pangalawang tahanan ng nasa 408,000 Filipinos at Australian of Filipino descent.
Karamihan sa kanila ay nagta trabaho sa crafts related; professionals; services and sales workers; skilled agricultural, forestry and fishery workers; technicians and associate professionals; managers at iba pa.
Nuong 2023, ang OFW remittances mula Australia ay nagkakahalaga ng USD $301.2 million.