-- Advertisements --

Pormal ng iprinoklama ng Commission on Elections si Pamplona Mayor Janice Degamo bilang 3rd congressional district representative ng Negros Oriental.

Si Degamo na asawa ni dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo na pinaslang sa Pamplona massacre noong Marso 2023, ay nakakuha ng 107,436 na boto, na lamang kay Janice Teves sa 55,731 na boto.

Si Teves ay tiyahin ni dating kongresista Arnolfo Teves, Jr., ang itinuturong utak sa pagpatay kay Roel na kasalukuyan naman ngayong nakakulong sa Timor-Leste.

Binanggit pa ni Degamo na inialay niya ang kanyang pagkapanalo sa pinaslang na asawa nito.

Naniniwala pa ang opisyal na ang mainit na pagsuportang natanggap mula sa mamamayan ng ikatlong distrito ay ang pagpapahayag din umano para sa kanilang pagmamahal sa katarungan.

Maliban dito, naniniwala din siya na ang pagboto sa kanya ay kasama sa mga pangarap ng mamamayan para sa isang mas mapayapang ikatlong distrito.

Binigyang-diin pa niya na sisentro sa kanyang serbisyo ang crime prevention para sa naturang Distrito ng lalawigan at plano ding gawin itong isang “smart city.”