-- Advertisements --

Iniuugnay sa kaso ng mistaken identity ang marahas na pagbaril-patay sa Filipino lawyer na si John Albert Laylo sa Philadelphia ayon sa Philippine Consulate sa New York.

Batay sa police source, sinabi ni Consul General Elmer Cato, lumalabas na maling sasakyan ang binaril ng suspek na kapareho aniya sa sasakyan na hinahabol nito.

Magugunitang, nitong Lunes, idineklarang patay ang Filipino lawyer matapos na pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na gunman ang Uber vehicle na sinasakyan ng biktima at ng kaniyang ina sa kahabaan ng Spruce Street noong Linngo, June 19.

Batay sa inisyal na ulat, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang abogado habang nagtamo naman ng sugat ang kaniyang ina.

Tiniyak naman ng Konsulada ang tulong para sa repatriation ng mga labi ni Laylo.

-- Advertisement --

Patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Philadelphia hanggang sa maresolba ang kaso.