Siniguro ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaabutan ng tulong ang lahat ng mga nasa ilalim ng total lockdown bunsod ng pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kasunod ito ng pahayag ni Interior Usec. Jonathan Malaya na sa ngayon ay prayoridad na nila ang pamamahagi ng food packs matapos ulanin ng batikos ang ilang local government units (LGUs) na hindi ramdam sa kanilang lugar ang pamamahagi ng tulong.

Partikular dito ang mga pagkain habang naka-home quarantine ang mga ito at hindi pinapayagang lumabas.

Ayon kay Malaya, mayaman man o mahirap ay tutulungan ng pamahalaan sa gitna ng kinahaharap na krisis ng bansa.

Pero nilinaw ng undersecretary na uunahin pa ring bigyan ang mga mahihirap na pamilya dahil sila ang higit na nangangailangan ng tulong.