-- Advertisements --

qc1

Naging maayos ang unang araw ng pamamahagi ng ayuda ng pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga residente nito.

Nasa 40 na Ayuda Centers ang itinatag ng Quezon City government para duon pumunta at kunin ang Ayuda ng mga kababayan natin na naipit dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula August 6,2021 hanggang August 20,2021.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, aabot sa 43,000 benepisyaryo ang nabigyan ng ayuda ngayong araw mula sa 37 na barangays ng siyudad.

Muling pina-alalahanan ng alkalde ang mga QCitizens na huwag pumunta sa mga Ayuda Centers kung hindi sila nakipag-ugnayan muna sa kanilang mga Barangay.

Aniya, naka iskedyul ang pamamahagi ng sa gayon maiwasan ang over crowding sa mga ayuda distribution.

Paalala din ni Mayor Belmonte kung ang inyong barangay ay wala sa listahan ng schedule ng ayuda distribution ngayong araw ay maaaring ito ay kabilang sa susunod na mga araw.

Hinimok din ng Mayor ang mga residente nito na abangan ang iba pang announcement tungkol sa ECQ August 2021 cash assistance offical Facebook page at Quezon City government website.

Samantala, kasama ng mga LGUs ang mga police personnel sa pagmando ng mga ayuda centers.

Ang mga kapulisan ang siyang nagma-managed at nagko-kontrol para matiyak na nasusunod ang physical at social distancing.