-- Advertisements --
omicron2

Patuloy na raw na mino-monitor ng pamahalaan ang mga Chinese nationals na dumating sa bansa na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Burea of Quarantine, dahil na rin sa patuloy na pagpapaigting ng border control ng Pilipinas, nakapagtala sila ng ilang mga Chinese nationals na nag-positibo sa nakamamatay na virus.

Sinabi ni Bureau of Quarantine Deputy Director Roberto Salvador Jr., nagpositibo ang mga ito sa antigen test dahil hindi pa bakunado ang mga ito.

Agad namang inilagay sa isolation at isasailalim muli sa RT-PCR test sa Philippine Genome Center upang malaman kung anong variant ng Covid-19 ang kanilang dala.

Sa ngayon ay patuloy na hinihintay ng Bureau of Quarantine ang resulta ng RT PCR test ng mga ito na kasalukyang nasa isolation facility ng Philippine Genome Center.

Muli namang tiniyak ng Bureau of Quarantine ang mas pinaigting na border control ng ating bansa sa inbound travelers na mula sa China.