-- Advertisements --

Siniguro ni PCO Secretary Dave Gomez na hindi bibiguin ng pamahalaan ang mga miyembro ng INC at ang mga mamamayang humihiling ng transparency at accountability.

Sa isang panayam, sinabi ni Secretary Gomez na batid nila ang sentimyentong ito na ipinapahayag ng INC at ng maraming Pilipino.

Binanggit din niya na sinabi ni Pangulong Marcos na bago mag-Pasko, may mga makukulong, uusigin ang mga nagkasala, at babawiin ang nakaw na pera ng bayan mula sa mga sangkot sa anomalya sa proyekto ng flood control.

Dagdag pa ni Secretary Gomez, aayusin din ang sistema upang maiwasan ang muling paglitaw ng malawakang katiwalian sa mga proyekto ng flood control.

Maaalalang nanawagan ang INC ng transparency at accountability sa unang araw pa lamang ng kanilang isinasagawang tatlong araw na kilos protesta .