-- Advertisements --

Binigyang diin ng Office of the Ombudsman na walang puwang ang kulturang ‘utang na loob’ sa mga opisyal ng gobyerno o pampublikong opisina. 

Sa inilabas na pahayag ng tanodbayan, mariin nilang ipinaalala na higit na mas mahalaga ang responsibilidad sa taumbayan kaysa pagtanaw ng utang na loob sa sinuman ‘donor’ ng isang lingkod bayan. 

Bagama’t nagbitiw ng ganitong kumento ang Ombudsman, binigyan pagkilala pa rin nito ang kaugalian Pilipino na ‘utang na loob’. 

Lalo pa’t kung ito naman daw ay sa pagitan ng magkakapamilya, mga kaibigan at pati o miski mga kakilala, bilang pagtanaw at pagpapakita ng pasasalamat. 

Nabanggit ang naturang termino o kaugalian Pilipino matapos kasuhan na ng Ombudsman si Senador Rodante Marcoleta, former Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at ilan pang indibidwal.

Kinakaharap nila ang kasong ‘plunder’ at paglabag sa ‘Presidential Decree No. 46’ o ang pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng regalo. 

Nag-ugat ang naturang mga kaso matapos aminin mismo ni Senador Marcoleta ang umano’y pagtanggap niya ng ‘campaign donations’. 

Ayon sa Ombudsman, buhat nang mangatwiran ang mambabatas na mayroon ‘utang na loob’ sa nadiskubreng aabot sa 75-milyon piso halaga ng donasyon, ito anila ang eksaktong dahilan kung bakit at kung para saan isinulat ang mga batas kontra ‘plunder’ at ‘bribery’. 

Kung kaya’t sa kabila ng mga isinagawang ilang araw na ‘rally’ ng mga tagasuporta nito kasama ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, itinuloy pa rin ng tanodbayan ang pagsasampa nito ng mga kaso. 

Gayunpaman sa makaraan mensahe ni Senador Marcoleta sa isa sa mga isinagawang ‘rally’ ng grupo, handa umano siyang maaresto kaugnay sa ‘plunder case’ ng Ombudsman laban sa kanya. 

Wala aniya siyang problema kung ito ang magiging kabayaran daw sa pagtanggol sa katarungan at interes ng mga Pilipino

Matapos pormal nang makasuhan ang senador, inaantabayanan ang susunod na magiging hakbang ng Sandiganbayan patungkol sa mga kaso. 

Isa na rito ay ang posibilidad na mag-isyu ng ‘warrant of arrest’ ang korte kontra sa mambabatas upang makuha ng hukuman ang kustodiya ng akusado.